Tuesday, December 4, 2018

Isulong: Tamang Pag-aaruga para sa Lahat ng Bata

Image result for kabataan
 Alam nating lahat at kinalakhan na natin ang kasabihang, "Ang mga bata ay ang pag-asa ng bayan" na sinabi ni Dr. Jose Rizal. Ngunit hindi natin maipagkakaila na unti-unti nang nasisira ang kinabukasan ng mga bata dahil rin mismo sa kanilang mga magulang. Hindi lalaking basagulero o palaboy ang mga bata kung inaalagaan sila ng  maayos. 

  Bilang mga magulang, responsibilad ng nanay at tatay ang tamang pag-aaruga sa anak sa mabuti o maging sa  pinakamasaklap na panahon. Walang bawian ang sitwasyong ito. Susubukin nito ang haba ng pagtitiyaga at pagtitiis ng isang tao nang walang kapalit na sahod. Ang pagiging magulang ang pinakamahirap sa lahat ng mga propesyon sa mundo dahil susukatin nito ang lakas mo upang ipagpatuloy ang responsibilidad mo sa iyong mga anak na walang hinihintay na kapalit.

Image result for kabataan Nararapat na magsimula  sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga bata sa mundo. Sa mga magulang nakasalalay ang magandang kinabukasan ng mga anak ngunit nakadepende rin sa mga anak kung aling daan ang tatahakin niya.


Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at maprinsipyo, siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal na ehemplo sa iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng paggiging magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang  kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa. Nakasalalay sa tamang pag-aaruga ng mga magulang tungo sa magandang kinabukasan ng mga bata.

References:https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.veritas846.ph%2Fwp-content%2Fuploads%2F2018%2F11%2FYouth_Kalookan__1542607217_122.3.163.190.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.veritas846.ph%2Fbuksan-at-pasiglahin-ang-simbahan-para-sa-kabataan%2F&docid=oKzYgX13sva2rM&tbnid=vj7cpXd6acN9IM%3A&vet=10ahUKEwjLzdLx7YTfAhXCUd4KHXyhCVcQMwiSAShLMEs..i&w=805&h=350&bih=657&biw=1366&q=kabataan&ved=0ahUKEwjLzdLx7YTfAhXCUd4KHXyhCVcQMwiSAShLMEs&iact=mrc&uact=8
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fremate.ph%2Fwp-content%2Fuploads%2F2018%2F08%2F1-47-1024x576.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fremate.ph%2F2018%2F08%2F17%2Fnavotas-linggo-ng-kabataan%2F&docid=Ugl8sB8a7OvcSM&tbnid=sJIpoPIAtyjdGM%3A&vet=12ahUKEwiFlNSw7oTfAhVCeXAKHSkTAxU4yAEQMygNMA16BAgBEA4..i&w=1024&h=576&bih=657&biw=1366&q=kabataan&ved=2ahUKEwiFlNSw7oTfAhVCeXAKHSkTAxU4yAEQMygNMA16BAgBEA4&iact=mrc&uact=8