Thursday, November 22, 2018

Paggamit ng Gadyets, Wag Abusuhin

Image result for teknolohiyaSa pagdaan ng panahon, parami nang parami ang naiimbentong mga makabagong teknolohiya para samga tao. Makakatulong ba ito sa pagtahak ng ating landas lalo na sa paggugol ng oras para sa edukasyon? O mas makakasama pa ito at magdudulot ng bunga tungo sa maling landas?

Image result for teknolohiyaBilang    estudyante, nakakatulong itodahil mas napapabilis at mas napapagaan nito ang paggawa ko ng mga takdang-aralin at mga proyekto. Malaki ang maiaambag ng teknolohiya at ng makabagong mga kagamitan dahil nakatutulong ito sa atin upang linangin at mas lalo pang pagyabungin ang mga mura nating isipan. Hindi lamang sa pag-aaral ginagamit ang mga ito, marami itong ginagampanan sa buhay ng tao dahil napapagaan nito ang mga mabibigat na gawain at mas nakakatipid tayo sa oras. Ngunit, hindi natin maipagkakaila na marami ngang mga hindi magagandang naidudulot ang mga makabagong teknolohiya. Marami ang nangyayari sa mundo ng Internet dahil nagiging buhay na ito ng mga iba. Maraming mga kumakalat na hindi magaganda sa Facebook at ito ay walang maidudulot na mabuti para sa mga menor de edad at mas natututo pa sila ng mga bagay-bagay na hindi angkop para sa kanilang mga edad. At may mga tao rin na ginagawang buhay na ang mga Gadyets at sinasabi nilang hindi na sila mabubuhay kapag wala ang mga ito. Mas maraming oras na nga ang iginugugol nila sa Internet kaysa sa pakikipagkapwa. Mas nagiging addict na sila sa Internet at marami na ring mga bata ang napupuyat dahil sa kaka-Facebook at hindi ito mabuti para sa kanilang kalusugan.

Konti lamang sa mga nabanggit ang mga magaganda at masasamang dulot ng mga Gadyet pero sana ay maging mulat tayo na hindi magiging permanente ang mga Gadyet at isang araw ay mawawala rin ang mga ito. Wag nating abusuhin ang paggamit ng mga ito at gamitin na lang natin ito kapag kinakailangan.

References: https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fvhalerieoandasan.files.wordpress.com%2F2014%2F12%2F6294396.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fvhalerieoandasan.wordpress.com%2F2014%2F12%2F15%2Fppaggmamit-ng-teknolohiya-sa-edukasyon%2F&docid=lXeqFmod8zinRM&tbnid=ghYgrwJXui0bwM%3A&vet=10ahUKEwjhx4--r-feAhWHLY8KHYw5DLMQMwhgKBYwFg..i&w=450&h=305&bih=657&biw=1366&q=teknolohiya&ved=0ahUKEwjhx4--r-feAhWHLY8KHYw5DLMQMwhgKBYwFg&iact=mrc&uact=8
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fusapingfilipino.files.wordpress.com%2F2016%2F11%2Fyayee6.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fusapingfilipino.wordpress.com%2F2016%2F11%2F13%2Fepekto-ng-teknolohiya-sa-wika%2F&docid=zLkhit7JDhQ87M&tbnid=sc1VU4c2gbTjHM%3A&vet=10ahUKEwjhx4--r-feAhWHLY8KHYw5DLMQMwhfKBUwFQ..i&w=736&h=552&bih=657&biw=1366&q=teknolohiya&ved=0ahUKEwjhx4--r-feAhWHLY8KHYw5DLMQMwhfKBUwFQ&iact=mrc&uact=8

No comments:

Post a Comment